Lahat tayo ay nakararanas ng pighati at temptasyon sa ating buhay. Dumarating ang oras na tila wala na tayong pag-asang makabangon. Naiisip nating, mayroon ba talagang Diyos? Bakit niya ibinibigay sa akin ang mga pagsubok na napakabigat? 
               Walang taong walang problema. Hindi dapat tayo sumusuko kahit sa mga ganitong sitwasyon. Ibinibigay sa atin ng Panginoon ang mga pagsubok dahil kung tayo'y palaging masaya, nakukuha natin ang lahat ng nanaisin natin, makikilala pa ba natin ang Diyos? Ibinibigay din ng Diyos ang pagsubok sa atin dahil nais niyang malaman kung tayo'y dalisay at makatatagal sa paglilingkod sa Kanya.
               Nang ang isang tao ay ipinanganak, kakambal na niya ang mga problema. Darating ang oras na mahaharap natin ito hanggang tayo ay mapasuko. Darating ang oras na pinakamalungkot, pinakanakatatalot, at pinakamabigat sa ating buhay. 
                Ang isang taong may tiwala at pananampalataya sa Diyos, matatag at malakas sa kahit na anong pagsubok na kanyang masasagupa. Ang taong binigyan ng pagsubok ay palaging may pag-asa. Ang Diyos ay hindi nagbibigay ng pagsubok na hindi kayang malampasan ng tao. Hindi man natin nakikita ang tagumpay, ang ilaw na ating hinahanap ay ay nakatago lamang sa likod ng ulap. Hindi natin nakikita ang liwanag ngunit mararamdaman natin iyon kung tayo'y nananalig at naniniwala na kaya nating malampasan ang pagsubok.
               Sa likod ng ulap, mayroong pag-asa. Makikita iyon pagsikat ng araw dahil matatapos rin ang panahong madilim. Mararamdaman natin ang walang hanggang kasiyahan. Mararamdaman natin ang pag-ibig at kalinga ng Maykapal dahil tayo ay kanyang mga anak. Ang isang ama ay kumakalinga sa kanyang mga anak anuman ang mangyari. Basta't ang pananampalataya ang dapat mangibabaw sa atin.

Picture
mula sa: http://www.viewphotos.org/united-states/images-of-BAXTER-SPRINGS-5914.html



Leave a Reply.

    Author

    jaymund ostonal
    - 13 yrs old from Bagong Silangan Elementary School in Quezon City

    Archives

    August 2012

    Categories

    All