Picture
mula sa: http://www.holidayhometimes.com/traveler-and-tourism/its-fun-philippines.html
It's more fun in the Philippines
              Mula pa man noon, masasabing mayaman talaga ang bansang Pilipinas.Patunay nito ay ang mga bansang umangkin sa atin.Kung mahirap at salat ang Pilipinas, walang maglalakas-loob na sumakop rito.Ang kultura at likas na yaman ng ating bansa ay maunlad noon pa man hanggang ngayon. Ang kakaiba nating tradisyon, paniniwala, kaugalian, wika at uri ng pamumuhay ay napakayaman. Ang taglay nating yamang mineral, yamang lupa, yamang tubig at yamang gubat ay lubos na napakarami. Ang ating bansa ang pinagkukunan ng mga ginto, marmol, tanso, chromite, pilak, at nickel ng iba't-ibang bansa sa Asya, Europa, Amerika at Australia.Ang mga bungang-kahoy, lamang lupa, lamang dagat, mga hayop at puno ay talagang sagana sa ating bansa. 

              Bukod sa mga ito, lubos na ipinagmamalaki natin ang mga naggagandahan nating anyong lupa at anyong tubig. Laganap ito sa buong Luzon, Visayas, at Mindanao.Napakaganda talaga ng ating mga bundok at bulkan tulad ng Mt. Apo na pinakamalaking bundok sa Pilipinas. Nandito ang bulkang Taal, ang pinakamaliit na bulkan sa buong mundo at ng bulkang Mayon sa Bicol na nakabibighani ang hugis. Nandirito rin ang iba't-ibang lambak, talampas, burol, at mga malalawak na kapatagan.Ngunit higit na nakaaakit sa mga tao ay ang mga anyong tubig. Narito sa atin ang mga dapat ipagmalaking ilog, dagat, look, lawa, gulpo, talon, at bukal. Halimbawa ng mga ito ay ang Palawan Underground River sa Puerto Princessa , ang Pagsanjan Falls sa Laguna, ang Boracay beach sa Aklan, ang Laguna de Bay at ang Taal Lake.
               Ipinagmamalaki ng lahat ng Pilipino ang mga pamanang ito ng kalikasan. Dahil sa mga biyayang ito, napatunayan natin a buong mundo na ang bansa ng Pilipinas ang Perlas ng Silanganan. Dahil sa mga biyayang ito, napatupad ng Kagawaran ng Turismo sa Pilipinas ang isang programang,  It’s more fun in the Philippines. Naging matagumpay ang programang ito dahil sa loob lamang ng talong buwan, milyon-milyong turista na ang dumating dito sa Pilipinas. Nagpalabas nga ng isang video ang isang Amerikano sa internet ng “Isang daang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang Pilipinas.” Patunay lamang ito na angat ang Pilipinas pagdating sa larangan ng pagpapasaya ng ibang tao sa pamamagitan ng mga likas na taglay n gating bansa.

              Ang islogang, It’s more fun in the Philippines ay makatotohanan dahil naniniwala tayo at ang mga dayuhan na mas masaya rito sa Pilipinas. Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay napuno ng kagandahang likas na dapat ipagmalaki sa buong mundo. 







Leave a Reply.

    Author

    jaymund ostonal
    - 13 yrs old from Bagong Silangan Elementary School in Quezon City

    Archives

    August 2012

    Categories

    All