Mainit na tanghaling tapat noon. Ang pagal na katawan ni Julian ay unti-unting pinapawi ng mga mumunting hangin mula sa bintana. Kagagaling niya lamang noon sa paaralan, na naglakad lamang ng mahigit isang oras pauwi.
          "Kumain ka na Julian, nakapagluto na ako", sabi ng kanayang ina.
          "Sige po ina, magbibihis lamang po ako"
           Hindi nagatagal, mula sa ikalawang palapag ng kanilang maliit na tahanan, nakarinig siya ng isang ingay. Wari niya ay may ginagawang bahay na di kalayuan mula sa kanila.
           "Ina, kanino hong bahay ang ginagawa diyan? At napakaingay?"
           "Hindi iyon isang bahay. Pinuputol na ang mga punongkahoy na utos ng may-ari ng lupa. Gamit nila ang malalaking lagari kaya marahil ay tatlong araw lamang ay wala na ang mga puno roon. Hindi na kayo roon makararating pa dahil sa mga bakod na ginawa"
            Sa mga sandaling iyon ay gumunita sa kanya ang mga ala-ala ng maliit na pook na iyon. Dahil sa maraming punongkahoy ay napakalilim na panangga sa matinding sikat ng araw sa katanghalian, kung kayat iyon ang parati nilang pinaglalaruan noong siya ay bata pa. Kasama niya lagi roon noon ang kanyang mga kaibigan, lalo na ang pinakamatalik at pinakamalapit niyang kaibigan na si Ana. Ang pook na iyon na tila hindi bahagi ng kanilang lunsod dahil ito'y parang nayon dahil sa mga punongkahoy, ay mag-iiba na.
             "Ang bawat isang punongkahoy na pinuputol ay tila isang karanasang hindi na maaring balikan pa", ayon sa kanya.
Maraming tao ang naroon, tinutunghayan ang pagbagsak ng mala-higanteng mga puno ng manga at acacia. Hindi naman ito maatim na tingnan ni Julian.
Isang paraiso ang nawala sa kanya, at hindi na maaring mabalikan pa. 



Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All