Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang dakilang araw na iyon. Nag-uumapaw ang aking kaligayahan dahil sa wakas ay magiging ama na ako. Mula sa aking kabiyak na si Cecilia na napabalitang nagdadalan-tao. Hindi ko maipaliwanag ang akin nararamdaman sapagkat ngayon lamang ako nakadama ng ganoon.
    Ngunit ang araw na iyon ay isa lamang sa mga masasayang nakaraan ko. Iba na ako ngayon bilang ulilang matanda. Tila nabalot ng dilim ang aking mundopagkasilang ng aking anak, na mula noon ay hindi ko na nasilayan pa.
    Nabuhay akong mag-isa sa sanlibutang ito. Nabuhay kasama ang alak, na kung ako ay nalalasing ay inaakala nila na may problema sa pag-iisip. Bilang Mang Dolpo, sa aming lugar na kalimitang tinutuya ng mga bata, pinag-uusapan kung minsan, ngunit nakadarama din naman ng kalinga mula sa mga taong may busilak na kalooban. Ngunit ang tanging laging laman ng puso't isipan ko ay naitakwil na ako ng Diyos.

149 words



Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All