I. Panimula

A. Sino ang sumulat

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon.

Ilan sa mga nobela niya ang: GapoDekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.

B. Kailan isinulat

Dekada 70; nanalo ng unang gantimpala sa Gawad-Palanca noong 1981-1982

C. Ano ang paksa

Ang paksa ay ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging paksa ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda

D. Bakit isinulat

                Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ay umiikot sa moralidad. Isinulat ito marahil sapagkat nais ipahiwatig na tayo ay dapat na nagiging matatag sa tukso at ang kasalanan ay nararapat nating iwasan. Dahil kaparusahan ang bunga ng bawat kamalian, at tiwala ang nawawala dahil ditto.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

A. Paksa

                Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ay tungkol sa buhay ni Julian na medaling matukso at may kahinaan sa pagkilatis kung ano ang nakabubuti at nakasasama sa kanya. Siya ay nagnakaw, nakiapid sa asawa ng iba at nakapatay ng tao kung kaya’t sa huli ay nabigyan siya ng parusa, pagkakulong sa kasong pagpatay

B. Simbolo

1. Bagay

a. Pera

Sumisimbolo sa tuksong magnakaw

b. Itak

Sumisimbolo sag alit

c. Tira-tirang pagkain

Sumisimbolo sa masidhing kahirapan

2. Tao

a. Aling Connie

Sumisimbolo sa tukso bilang babae

b. Amo ni Julian

Sumisimbolo sa kawalang pagtratong makatarungan

C. Uri

                Ang maikling kuwentong Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ay isang uri ng trahedya. Ito ay dahil sa bawat kasalanang nagagawa ng pangunahing tauhan ay may parusa na nagiging dahilan ng sobra niyang kalungkutan at kamiserablehan ng buhay. Hanggang sa wakas ay nabigo siya, at patuloy na nagging masaklap ang kanyang buhay.

D. Magandang Pahayag

                1. “Oo, malaki ka na. hindi na kita mapapalo," malungkot na dugtong pa ng ama niya. "Pero h'wag mo naman akong masyadong nakawan ng dangal. Ayokong sa bandang huli'y manghinayang ako na naging anak kita.”

- Ama ni Julian

                Nangangahulugan ito na nais ng ama ni Julian na iwasan na ni Julian ang mali dahil dangal niya ang nawawala, mula sa pagpapalaki rito.

                2. “ Itay, hindi marangal ang magmistula kang asong kumakain ng tira Hindi marangal ang magmakaawa sa mga demonyong mapagkait ng dangal !”

- Julian

            Nangangahulugan ito na ang nasa isip ni Julian ay hindi isang marangal na gawain ang maging  sobrang mababa sa mata ng matataas. At magmakaawa sa masasama na walang kabutihan

III. Pagsusuring Pangkaisipan

A. Pahiwatig

1. Naiwan si Juliansa sala na bukas ang platerang may pera

Nangangahulugan ito na matutukso si Julian na kunin ito

2. Nagbihis si Aling Connie ng maikli at pinalapit si Julian

Nangangahulugan ito na manunukso si Aling Connie na makiapid si Julian

3. Pinapirma si Julian ng termination paper

Nangangahulugan ito na mawawalan na si Julian ng trabaho.

4. Nandilim ang isip ni Julian at sinabing panahon na ng kahayupan

Nangangahulugan ito na may magagawang masama si Julian

B. Mga Aral at Implikasyon

Ang kuwento ay mayroong mensaheng dapat na maging matatag tayo sa mga tukso,  alaming mabuti ang mga kilos at desisyong makabubuti at makasasama sa iyo, at layuan ang anumang uri ng kasalanan.

C. Pagsulat

1. Kalakasan

                Malinawang mensahe ng kuwento. Nailahad  ito ng mabuti at malinaw ang detalye. Maayos na naipakilala ang mga tauhan. Dahil ditto, nagging napakaganda ng kuwento at karapat-dapat para sa mga gantimpala.

2. Kahinaan

                Bahagyang nagging magulo ang mga pangyayari sa kuwento, sa tuwing nagkakaroon ng flash back. Ngunit masasabing nakatulong din ito upang maging madetalye ang kuwento.


778 words
RG RIMA
3/16/2015 12:53:52 pm

i love the story.. mag-ingat sa tuksong mapanglaro..

Reply
jenny
9/22/2016 02:00:33 am

Nakakalungkot ang istorya pero salamat sa impormasyon.

Reply
Janziz
11/21/2021 03:43:09 am

HAHAHAHAHA

Reply
edd
1/14/2021 01:42:21 am

mag ingat sa copy paste. illegal yan dzai. always use proper citation dzai okay? tukso yan. hehe

Reply
Tangina mo edd
11/21/2021 03:45:03 am

.

Reply
pong
11/30/2021 07:16:08 pm

Saan isinulat ni Lualhati Bautista yung kwento na yan?

Reply



Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All